16.6 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

4Ps Parent Leaders, sumailalim sa Basic Life Support Training ng DSWD

Sumailalim sa Basic Life Support (BLS) Training ang 120 Parent Leaders ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Porac, Pampanga.

Ang nasabing pagsasanay ay hinati sa apat na batches na nakatakdang idaos mula Setyembre 9 hanggang 12, 2025.

Pinangungunahan ito ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Municipal Action Team (MAT).

Ayon sa mga organizer, ang hakbang na ito ay mahalaga upang mas mapalakas ang kakayahan ng mga Parent Leaders na makapagbigay ng agarang tulong at mas maging handa sa pagtugon sa panahon ng sakuna o anumang hindi inaasahang pangyayari.

Itinuturing ang pagsasanay bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na palakasin ang community resilience at matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilya sa Porac.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles