16.6 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

Bacnotan, nakiisa sa 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill; Basic First Aid, ttinampok sa Bitalag Integrated School

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Bacnotan sa isinagawang 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill noong Setyembre 11, 2025, bilang bahagi ng pagpapatibay ng kahandaan ng komunidad sa oras ng kalamidad.

Sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nagsagawa ng pagsasanay ang mga kawani ng munisipyo kung saan isinagawa nila ang wastong hakbang na “Duck, Cover, and Hold” at maayos na lumikas mula sa municipal hall patungo sa ligtas na lugar.

Kasabay nito, aktibong lumahok ang mga guro at mag-aaral ng Bitalag Integrated School, na hindi lamang nakibahagi sa earthquake drill kundi dumalo rin sa isinagawang Basic First Aid orientation at demonstration. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman ng mga kabataan at guro sa pagbibigay ng paunang lunas sa panahon ng sakuna o emerhensiya.

Buong suporta naman ang ipinagkaloob nina Mayor Divine Fontanilla at Vice Mayor Francis Fontanilla, na muling nagpatibay sa kanilang pangako na gawing mas ligtas, handa, at matatag ang Bacnotan laban sa anumang banta ng kalamidad.

Ang naturang pagsasanay ay bahagi ng pambansang adbokasiya ng pamahalaan upang turuan ang mga mamamayan ng tamang kaalaman at kakayahan sa pagtugon bago, habang, at matapos ang sakuna.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles