23.8 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

DSWD FO2, tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyong may extra love at extra care ngayong 2026

Sama-samang sinalubong ng mga Angels in Red Vests ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) ang bagong taon sa ginanap na kauna-unahang flag raising ceremony ng ahensya noong ika-5 ng Enero 2026.

Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Regional Director Lucia Suyu-Alan ang patuloy na pagbibigay ng maayos at makataong serbisyo sa bawat benepisyaryo ng DSWD. Aniya, mahalaga ang malasakit at pagtutulungan ng bawat kawani upang masigurong maayos na naihahatid ang mga programa at serbisyo ng ahensya.

Binigyang-diin din ng Regional Director ang kahalagahan ng pagkakaisa at teamwork sa loob ng opisina. Dagdag pa niya, mahalagang alagaan ang sarili, pisikal man o mental, dahil mas nagiging epektibo ang serbisyo kung ang mismong mga kawani ay nasa maayos na kalagayan. Aniya, ang serbisyong may extra love at extra care ay nagsisimula sa pusong inaalagaan din.

Nagbigay rin ng kani-kanilang anunsyo ang iba’t ibang dibisyon ng Field Office kaugnay ng mga nalalapit na aktibidad, iskedyul ng mga programa, at mahahalagang paalala para sa taong 2026.

Sa pagtatapos ng programa, muling pinagtibay ng DSWD FO2 ang kanilang panata na magpatuloy sa tapat at makataong paglilingkod, dala ang hangaring maihatid ang serbisyong may extra love at extra care sa bawat nangangailangan ngayong 2026.

Source: DSWD R2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles