20.7 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

DSWD FO2, namahagi ng food packs sa mga benepisyaryo sa lalawigan ng Isabela

Ipinagpatuloy ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 ang pamamahagi ng food packs sa mga benepisyaryo ng “No Hunger Program” sa lalawigan ng Isabela ngayong ika-27 ng Hunyo 2025.

Kabilang sa mga nakatanggap ng kanilang food packs ay ang mga benepisyaryo mula sa 28 bayan kabilang ang Alicia, San Mateo, San Mariano, Benito Soliven, Naguillian, Burgos, Tumauini, Sto. Tomas, Santiago City, Cabagan, San Pablo, Palanan, at Santa Maria.

Isinagawa ang pamamahagi sa pakikipagtulungan ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2, katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa bawat bayan at mga partner retailer, upang matiyak ang maayos at sistematikong pag-abot ng tulong sa mga benepisyaryo.

Ang programa ay naglalayong tugunan ang kagutuman at bawasan ang pinansiyal na pasanin sa pagkain para sa mga pamilya sa pinakanangangailangang sektor. Ang programa ay bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang mas ligtas, malusog, at magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino.

Source: DSWD R2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles