Naghatid ng tulong pinansyal mula sa Emergency Cash Transfer (ECT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)para sa mga Apaliteño katuwang ang Kapitolyo, na isinagawa sa Apalit, Pampanga nito lamang ika- 27 ng Hunyo 2025.
Umabot sa P21.9 milyon ang kabuuang halaga ng ayudang ipinamahagi, sa pangunguna nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda at mga LGU Apalit.
Labis ang saya at pasasalamat ng mga benipisyaryo na tumanggap ng P5,625.
Isa sa mga pangunahing adbokasiya nina Gov. Delta at Vice Gov. Nanay ay ang kalusugan ng bawat Kapampangan.
Kaya naman, nananawagan sila sa publiko na magpatingin agad sa doktor at magpa-laboratory test kung kinakailangan, upang maagapan at hindi lumala ang mga karamdaman.
Tiniyak din ni Vice Gov. Nanay na magiging kumpleto at accessible ang ospital na kasalukuyang itinatayo sa tabi ng DHVSU Apalit Campus.
Layunin ng Lokal na Pamahalaan na mas mapalapit ang serbisyong medikal at makatulong sa kanilang pangangailangan.







