Nagsagawa ng Psychosocial First Aid (PFA) ang mga Angels in Red Vests ng DSWD Field Office 02 para sa anim na mangingisda na nakaligtas matapos tumaob ang kanilang bangka sa kasagsagan ng Bagyong Nando sa Sta. Ana, Cagayan, kahapon ika-26 ng Setyembre 2025.
Isa sa kanila ay mula sa Dilasag, Aurora, ang apat ay mula sa Quezon Province at isa naman ay mula sa Daet, Camarines Norte.
Bahagi ng PFA ang pagbibigay ng suporta upang matulungan silang makabangon mula sa emosyonal at mental na bigat ng sinapit nilang trahedya. Layunin nito na mabawasan ang kanilang pangamba at magbigay ng ligtas na espasyo para maipahayag nila ang kanilang saloobin.
Bukod dito, nakatanggap din sila ng tig-Php3,000 na tulong pinansyal mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.
Kasama rin sa mga nabigyan ng financial assistance ang 21 iba pang mangingisda na na-stranded sa naturang bayan. Sa kabuuan, umabot sa 27 mangingisda ang nakatanggap ng tulong.
Source: DSWD Region 2




