21.1 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Libreng Mobile Gamutan, hatid ng Pamahalaang Lokal ng San Ildefonso

Patuloy ang pagbibigay ng serbisyong medikal ng Pamahalaang Lokal ng San Ildefonso sa pamamagitan ng Libreng Mobile Gamutan na ginanap sa Barangay Sumandig nito lamang Biyernes, ika-26 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ni Hon. Gazo Galvez, Mayor ng San Ildefonso, katuwang ang Office of the Municipal Health Officer na pinamumunuan ni Dr. Reginell Nuñez, at ang Office of the Municipal Nutrition Action Officer na pinamumunuan ni Ma’am Ma. Eunice Vanguardia.

Ilan sa mga serbisyong hatid ay libreng medical check-up, laboratory at dental services, sanitary at bedridden check-up, health promotion, feeding program, pamamahagi ng vitamins para sa bata at buntis, at libreng eyeglasses para sa senior citizens.

Layunin ng programang ito na mailapit sa mamamayan ang libreng serbisyong medikal, mabigyan ng wastong kaalaman tungkol sa kalusugan, at masiguro ang maagap na pag-aalaga lalo na sa mga nasa malalayong barangay.

Sa pamamagitan ng Libreng Mobile Gamutan, ipinapakita ng Pamahalaang Lokal ng San Ildefonso ang kanilang patuloy na malasakit at pagtutok sa kalusugan ng bawat mamamayan.

Mananatili itong lingguhang programa upang matiyak na lahat ng barangay, lalo na ang nasa malalayong lugar, ay mapagkakalooban ng serbisyong medikal na walang bayad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles