Muling isinagawa ang pamamahagi ng crop insurance cheques sa 25 magsasaka ng Concepcion, Tarlac na naapektuhan ng kalamidad at peste nito lamang Huwebes, ika-25 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ni Mr. Eugene Conde, Coordinator ng PCIC Region III, katuwang ang tanggapan ng Municipal Agriculture Office na buong pusong sinuportahan ni Mayor Noel Villanueva at Vice Mayor Evelyn Rivera.

Ayon kay MAO Head Juanito Lindo Jr., ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Comcepcion na matulungan ang sektor ng agrikultura na makabangon at lalo pang umunlad sa kabila ng mga hamon.
Layunin ng crop insurance program na magbigay ng proteksiyon at agarang ayuda sa mga magsasaka upang mapagaan ang kanilang pagkalugi at masiguro ang tuloy-tuloy na produksyon sa agrikultura.




