Naging makulay at puno ng kasayahan ang pagdiriwang ng 54th Araw ng Quirino at Panagdadapun Festival 2025 noong Setyembre 10, 2025, na dinaluhan ng mga Quirinian mula sa iba’t ibang bayan.
Tampok sa selebrasyon ang Grand Parade na nagpakita ng pagkakaisa at sigla ng bawat sektor ng lipunan, kasunod ang Floral Offering bilang tanda ng pagkilala sa kasaysayan at kultura ng lalawigan. Umindak naman ang mga kalahok sa makukulay na streetdancing performances na nagbigay buhay sa kalsada at nagpamalas ng talento at malikhaing galing ng mga kabataan.
Bilang pangunahing panauhin, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Department of Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, na nagpaalala sa kahalagahan ng edukasyon, kultura, at tradisyon sa patuloy na pag-unlad ng Quirino.
Muling pinatunayan ng Panagdadapun Festival na ito ay higit pa sa selebrasyon isa itong pagsasama-sama ng mga Quirinian upang ipagdiwang ang kanilang pagkakakilanlan, kasaysayan, at pangarap para sa mas masaganang hinaharap.
Source: Quirino Province




