Patuloy na isinagawa ng mga tauhan ng Angeles City Traffic Development Office (ACTDO) ang regular na clearing operations sa iba’t ibang kalsada sa lungsod nito lamang Huwebes, ika-17 ng Hulyo 2025.
Kabilang sa mga nilinis na lugar ang Kalayaan, San Francisco, Aniceto Gueco, Kuliat, Burgos, Vicitacion, Anunas-Abacan Diversion Road, Rizal, Luna, MacArthur Highway, at Plaridel.
Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng ACTDO sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., katuwang ang iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan.
Bahagi ito ng pinaigting na kampanya para sa mas maayos, maaliwalas, at ligtas na kapaligiran sa lungsod. Ipinahayag ng pamahalaang lungsod ang kanilang pasasalamat sa mga residente na patuloy na sumusunod sa mga ordinansa at panuntunan.
Nanawagan din ng mas malawak na kooperasyon mula sa publiko upang mapanatiling malinis at ligtas ang mga pampublikong daan.
Layunin ng clearing operations na alisin ang mga sagabal sa kalsada, maibsan ang trapiko, at maiwasan ang mga posibleng aksidente, upang makamit ang isang mas disiplinado at organisadong lungsod para sa lahat ng Angeleños.




