Matagumpay na nakapagtapos ang 18 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Baguio City Jail at simpleng seremonya ang ginanap sa Baguio City Jail- Male Dorm Multi-Purpose Hall nito lamang ika-16 ng Hulyo 2025.
Tatlo ang nagtapos sa elementarya at 15 ang junior high school completers—12 mula sa Baguio City Jail – Male Dormitory at tatlo mula sa Female Dormitory.
Ang kaganapan na may temang “Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas” ay sumisimbolo hindi lamang sa akademikong tagumpay kundi isang panibagong pag-asa para sa isang magandang kinabukasan para sa mga PDLs.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Congressman Mauricio Domogan, na ang tunay na rehabilitasyon ay nagsisimula sa aksyon, hindi lamang pagsisisi.
Ibinahagi nito ang limang pangunahing prinsipyo — maniwala sa Diyos, alagaan ang iyong sarili, iwasan ang katamaran, tanggihan ang mga nakapipinsalang gawi, at maging responsable sa paggastos.







