18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

“Bulig”

Isang natatanging kaugalian ng bayan ng Tanudan sa Kalinga ang buhay at patuloy pa ring ipinamamalas ng mga residente sa lugar sa pamamagitan ng tradisyong “Bulig” o “Buligan”.

Dito, sama-samang tinutulungan ng mga residente ang pagdadala ng maysakit o nasugatang indibidwal mula sa malalayong sitio patungo sa pinakamalapit na health center o ospital gamit lamang ang kawayan o kahoy na may kasamang kumot.

Kamakailan lang, ngayong unang linggo ng Nobyembre 2025, kapuri-puri ang ipinakitang dedikasyon at malasakit ng mga mamamayan kasama ang PNP-SAF “Troopers” sa Gaang, Tanudan, Kalinga na nagdala ng isang maysakit patungo sa sentro na may pagamutan.

Sa kabila ng hirap ng daan at layo ng lugar, salitan nilang binuhat ang maysakit. Samakatuwid, namumutawi sa kanila ang tuwa pagkatapos maihatid ang nai-Buligan o taong nabigyan ng tulong.

Pinapakita dito na ang tunay na diwa ng bayanihan at serbisyo para sa kapwa ay di inaalintana ang pagod makatulong lang sa nangangailangan.

Bung pagpupugay ang iginagawad sa mga “Troopers” na buong puso at lakas ang ginugol upang maihatid ang nangangailangan ng tulong medikal — isang huwarang halimbawa ng tunay na serbisyo para sa bayan.

Sources: PCADG Cordillera at Insaking Lante FB Pages

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles