18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

“Binnadang Cordillera” para sa Cebu

Bilang tugon sa hinaing ng mga biktima na lubos ang hinagpis sa epekto ng Bagyong Tino na tumama noong Nobyembre 4, 2025 sa Cebu, hindi nagdalawang-isip ang buong komunidad ng Cordillera na kumilos para sa donation drive o tinatawag na “Binnadang Cordillera”.

Masakit isipin pero marami ang nawalan ng tirahan, maging ng mga mahal sa buhay, na siyang dahilan upang ideklara ang lalawigan sa ilalim ng state of calamity.

Upang makatulong sa kanilang unti-unting pagbangon, nakipagtulungan ang Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15) at Benguet Provincial Police Office (PPO) sa Office of the Civil Defense Cordillera. Ang inisyatiba ay pinangunahan ni Ms. Khristine E. Molitas, Vice-Chairperson ng BAGPTD, na siyang nakipag-ugnayan sa Regional Civil Affairs and Development Division (RCADD) ng Police Regional Office 7 (PRO 7).

Nagpasya ang mga organizers na gawing dropping off points ng mga donasyon ang Benguet PPO o RMFB15 Office sa La Trinidad Benguet, at Baguio City Police Office Community Affairs Office sa Baguio City hanggang ika-8 ng Nobyembre upang hindi maantala ang pagbiyahe sa anumang mga malilikom papuntang Cebu.

Sama-sama nilang itinaguyod ang inisyatibang “Binnadang” o tradisyonal na Bayanihan system, na naging daan upang makakolekta ng mga donasyon tulad ng mga gulay, damit, sako-sakong bigas, bottled water, at iba’t ibang grocery items.

Ipinapakita ng humanitarian aid na ito na ang bayanihan ng mga Cordillerans ay buhay at patuloy ang pagbibigay inspirasyon sa kapwa Pilipino na maging sensitibo sa mga nangyayari sa bansa at sikaping makibahagi sa mga hakbanging ginagawa para makatulong sa nangangailangan.

Sinsalamin din nito ang matibay na koordinasyon sa pagitan ng PNP concerned offices, mga lokal at pribadong ahensya, at buong komunidad sa rehiyon.

Source: PNP RMFB15 PRO CAR

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles