Patuloy ang pagpapamalas ng malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga ambulant vendors sa Gymnasium, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Martes ika-4 ng Nobyembre 2025.
Pinangunahan ito nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda katuwang si Ms. Fe Manarang, Head Provincial Social Welfare and Development Office.


Nakatanggap ng kabuuang 2,890 ambulant vendors mula sa 1st at 2nd District ng lalawigan ng Php3,000.
Bukod dito, nagkaloob din ang Kapitolyo ng food packs at mga gamot para sa kanilang maintenance na lubos na ipinagpapasalamat ng mga ito.
Layunin ng aktibidad na suportahan ang sektor ng maliliit na negosyante na may malaking ambag sa lokal na ekonomiya at merkado ng Pampanga.
Patuloy ang pamahalaan sa pagsasagawa ng mga ganitong programa upang matulungan ang mga manggagawang Kapampangan na mapalakas ang kanilang kabuhayan at maibsan ang kanilang pinansyal na pangangailangan.




