18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Tuloy-tuloy ang pagbisita at pamamahagi ng tulong sa mga Evacuation Center sa Bayan ng Sudipen, La Union

Patuloy ang isinasagawang pagbisita at pamamahagi ng mga relief goods sa ating mga kababayang kasalukuyang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation center sa Bayan ng Sudipen, La Union ngayong araw, Nobyembre 11, 2025.

Sinamantala rin ni Dr. Jerson S. Bangaoil ang pagkakataon upang personal na masuri ang kalusugan at kalagayan ng mga evacuee, bilang bahagi ng pangangalaga sa kanilang kapakanan.

Taos-pusong pasasalamat sa PNP at BFP sa kanilang tuloy-tuloy na serbisyo publiko, gayundin sa MDRRMO at MSWDO na walang sawang katuwang sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad.

Hinikayat din ang lahat na patuloy na magtulungan at magkaisa, upang sa tuwing may dumarating na sakuna, manatili tayong matatag, handa, at nagkakaisa bilang isang komunidad sa Bayan ng Sudipen, La Union.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles