Bilang bahagi ng pagdiriwang ng araw ng mga puso ay nagsagawa ng ibaāt ibang serbisyo publiko na binansagang 22-in-1 Angel Care Program ang lungsod ng Tarlac para sa mga residente ng Barangay Central, Tarlac City nito lamang ika-6 ng Pebrero 2024.
Kabilang na rito ang libreng serbisyong medical, legal advice, late birth registration, reading glasses, dental services, blood typing, antigen test, pharmacy, trabaho on wheels, new born kit at iba pa.
Ang aktibidad ay naglalayong makapagbigay serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod ng Tarlac na pinangunahan ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang mga tauhan ng Philippine Air Force at mga iba’t ibang pribadong sektor sa naturang lugar.