Nagsagawa ang mga miyembro ng Public Employment Service Office ng Trabaho Caravan at Medical Mission para sa mga nangangailangan ng trabaho sa Barangay Muzon South, City of San Jose Del Monte, Bulacan nito lamang Sabado, ika 3 ng Pebrero 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Honorable Florida P. Robes, Congresswoman ng Bulacan na nilahukan ng iba’t ibang kumpanya at recruitment agencies.
Labis ang pasasalamat ng mga aplikante dahil nabigyan sila ng oportunidad upang makapagtrabaho at ma hire on-the-spot.
Ayon kay Congresswoman Robes, isa itong tulong para sa pangbangon ng mga San Joseño at mapababa ang bilang ng mga taong walang trabaho sa knilang nasasakupan.