Nakatanggap ang 2,042 na benepisyaryo ng Medical Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Kapitolyo ng Pampanga nito lamang Martes ika-30 ng Enero 2024.
Pinamunuan ni Hon. Dennis Pineda, Governor ng Pampanga kasama ang mga kawani ng DSWD ang naturang pagbibigay ng tulong.
Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa natanggap na medical assistance mula sa pamahalaan.
Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga nangangailangan sa lalawigan ng Pampanga.