Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamunuan ng Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company sa Brgy. San Juan, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, ika-20 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Sammy”, residente ng Guimba, Nueva Ecija at miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) na isang Underground Mass Organization (UGMO).
Napag-alaman na isinuko rin ni alyas Sammy ang isang calibre 38 revolver at dalawang bala.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya lalo pa at magpapasko at magbabagong taon na.