Naghandog ng dalawang wheelchair ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles para sa dalawang senior citizens ng Barangay Cutud, Angeles City nito lamang Lunes, ika-18 ng Disyembre 2023.
Matagumpay na naihatid ang mga wheelchair sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office.
Ito ay isa lamang sa programa ng pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa pamumuno ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., City Mayor.
Sinisiguro ni Mayor Lazatin na patuloy ang paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa lubos na nangangailangan.