Binuksan ang National Bureau of Investigation Clearance Center sa Abra sa Brgy. Mudeng, La Paz, Abra nito lamang Disyembre 11, 2023.
Ang pagbubukas ng pasilidad ay pinangunahan ni La Paz Mayor JB Bernos na nagsilbing unang kliyente sa pagkuha ng NBI Clearance sa bagong bukas ng NBI Clearance Center.
Sa halagang Php135.00 ay makakapagproseso na ang mga residente at mga karatig probinsya at munisipalidad ng kanilang NBI Clearance na isa sa mga requirements sa pag-aaply ng trabaho at dokumentasyon na kanilang kailangan.
Patunay lamang ito na ang gobyerno ay patuloy na nilalapit sa mamamayan ang mga serbisyong kanilang kinakailangan para sa mabilis na pag-unlad ng bawat pamayanan lalo na sa mga malalayong lugar.