Nakatanggap ng financial assistance ang 19 senior citizens mula sa Lokal na Pamahalaan ng Angeles City na residente ng Barangay Anunas, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-13 ng Disyembre 2023.
Ito ay sa ilalim ng programa ni Honorable Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City kasama ang Office of the Senior Citizens Affairs sa pangunguna naman ni Eduardo Torres.
Ayon sa ulat ng Office for Senior Citizens Affairs, nakatanggap ng Php3,000.00 financial assistance at libreng vitamin C at Anti-Flu Vaccine.
hinatid Ito sa pamamagitan ng house to house delivery dahil kabilang sa prayoridad ng pamahalaan ng Angeles City ang kapakanan at kalusugan ng mga senior citizens.