23.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Loose firearm, isinuko sa Benguet

Boluntaryong isinuko ng isang residente ang kanyang loose firearm sa mga awtoridad sa Barangay Hall, Tabaan Sur, Tuba, Benguet nito lamang Disyembre 11, 2023.

Hindi na pinangalanan ang pagkakakilanlan ng nagmamay-ari ng baril para sa kanyang seguridad.

Napag-alaman na ang isinukong armas ay isang uri ng Cal. 22 Magnum Revolver na walang marka at live ammunition.

Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng mas pinaigting na kampanya kontra sa Loose Firearms sa ilalim ng batas na RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act at mga serye ng Brgy. Visitation ng Benguet PNP.

Patuloy ang isinasagawang paghikayat ng mga awtoridad sa mga residente sa kanilang nasasakupan na isuko ang mga ilegal na armas bago pa ito magamit sa krimen at maging dahilan ng kanilang pagkakakulong.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles