Patuloy ang pamimigay ng pamaskong handog ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association sa iba’t ibang barangay nito lamang Linggo, ika-10 ng Disyembre 2023.
Matagumpay ang pamimigay ng pamasko sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin, City Mayor.
Binigyan ang bawat miyembro ng TODA at JODA ng limang kilong bigas.
Siniguro rin ni Mayor Lazatin na mabibigyan ng pamaskong bigas ang umabot sa 10,755 na tricycle driver at 1,737 na jeepney driver.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa paghahatid ng serbisyo at saya sa mga mamamayan lalo na ngayong darating na kapaskuhan.