Pinangunahan ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office ang isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Sapangbato, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-6 ng Disyembre 2023.
Kasama sa aktibidad ang mga guro at mag-aaral ng Angeles City National High School at Sapangbato National High School.
Nagkaisa sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy bilang bahagi ng pagpapayabong sa umabot na 560-hectare na watershed sa lungsod.
Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles City ang lahat ng ahensya ng pamahalaan kasama ang mga Non-Government Organization sa lungsod na makiisa sa pangangalaga sa naturang watershed.