Nasunog ang isang bahay sa Landingan, Bangao, Buguias, Benguet nito lamang ika-3 ng Disyembre 2023.
Ang naturang bahay ay pagmamay-ari ni Antonia Aban.
Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Buguias, bandang 12:40 ng hapon kung saan agad namang rumesponde ang mga ito upang apulahin ang sunog.
Short circuit sa linya ng kuryente ang nakitang sanhi ng sunog ng mga rumespondeng operatiba.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa nangyaring sunog at tinatayang nasa Php64,000.00 halaga ang pinsala dulot ng naturang insidente.
Patuloy ang panawagan ng BFP sa mga mamamayan na mag-doble ingat para maiwasan magkaroon ng sunog na pweding maging sanhi ng pagkamatay.