23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Plastik Palit Bigas Project muling umarangkada sa Angeles City

Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng Walang Plastikan-Plastik Bigas Project ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles para sa mga residente ng Barangay Malabanias nito lamang Lunes, ika-4 ng Disyembre 2023.

Ang proyektong ito ay inilunsad ng lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr.

Sa naturang proyekto ay kinokolekta ang mga recyclable plastik mula sa mga residente at pinapalitan ito ng bigas.

Ang kapalit ng isang kilong plastik ay isang kilong bigas.

Ayon kay IC Calaguas, Chief Adviser ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., ang mga kinolektang plastik ay gagawin itong ladrilyo na magagamit rin sa pagpapaganda sa naturang lungsod.

Ang proyektong ito ay naglalayong hikayatin ang mga mamamayan ng Angeles City sa tamang paghihiwalay ng kanilang mga basura at bawasan ang paggamit ng plastik na nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles