Boluntaryong sumuko ang dating rebelde sa mga awtoridad sa Camiling, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-1 ng Disyembre 2023.
Ang naturang rebelde ay dating miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla-Tarlac Zambales.
Kasabay ng kanyang pagbabalik-loob ay kanyang isinuko ang isang caliber .38 na walang serial number at mga gamit sa paggawa ng IED.
Patuloy ang ating pamahalaan sa paghikayat sa mga kasamahan ng naturang rebelde na magbalik-loob upang mapanatili ang pagkakaisa at mapaunlad ang bansa.