Isang loose firearm ang boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen sa Barangay Kagawad na si Ms. Eileen Galino sa himpilan ng Baguio City Police Station 5 sa Phil-Am, Baguio City nito lamang Nobyembre 28, 2023.
Napag-alaman na ang loose firearm ay isang improvised shotgun, kulay brown na walangserial number, walang markings at bala.
Ayon sa Baguio City PNP, ang boluntaryong pagsuko ay resulta ng kanilang pinaigting na kampanya kontra loose firearms at hinikayat naman ng Baguio City PNP ang lahat ng firearm owners na walang lisensya na isuko ang kanilang mga baril upang maiwasan ang kasong pwedeng ipataw sa kanila.