Isinuko ng isang lalaki ang kanyang loose firearm kay Hon. Cattit, Barangay Chairman na agad naman nai-turn over sa mga tauhan ng Banaue Municipal Police Station sa Poblacion, Banaue, Ifugao nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2023.
Ang nasabing armas ay isang uri ng homemade Cal. 5.56mm pistol with steel stamp serial number ngunit walang ammunition.
Hindi na pinaalam ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril para sa kanyang seguridad.
Ang pagsuko ay bunga ng mas pinaigting na intensive campaign against loose firearm ng Ifugao PNP.
Mahigpit namang tagubilin ng mga awtoridad na isuko ang kanilang mga baril na walang kaukulang dokumento upang maiwasan magkaroon ng kaso.