Nadiskubre ng nga awtoridad ang iba’t ibang uri ng baril, mga bala at mga pampasabog ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Calabas, Gabaldon, Nueva Ecija nito lamang Linggo, Nobyembre 19, 2023.
Ayon sa Nueva Ecija PNP, natunton ang mga nakatagong armas sa tulong ni alyas “Ka Bala”, dating miyembro ng Larangang Gerilya sa Patag Uno na nagbalik-loob sa pamahalaan nito lamang ika-17 ng Nobyembre.
Ang mga narekober ay isang Cal. 38 Revolver na may dalawang bala at isang High Explosive Grenade at mga sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Devices (IEDs).
Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magbagong-buhay kasama ang kanilang pamilya.