Sumuko sa gobyerno ang Apat na dating miyembro ng Gabriela Partylist Chapter sa Brgy. Pudoc, Bauang, La Union nito lamang September 18, 2022.
Kinilala ang apat na sumuko na si Renalyn Flora y Cacdac, 36; Rowena Isaac y Calica, 48; Milagros Calica y Bautista, 49; Clarito Cacdac y Calica, 72, silang apat ay residente ng Brgy. Pudoc, Bauang, La Union.
Ayon kay PMaj Cresencio P Abila Jr, boluntaryong sumuko ang apat na dating miyembro ng CFO sa mga tauhan ng Bauang Police Station katuwang ang La Union Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 1, TSC Regional Mobile Force Battalion 1, at 2nd La Union Provincial Mobile Force Company.
Ang pagsuko sa gobyerno ng dating rebelde ay patunay lamang na ang iba’t ibang organisasyon ay patuloy na nakikipagtulungan sa Bauang PNP upang mabigyan ng maayos at tahimik na pamayanan ang bawat isa.