14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Construction worker, arestado sa kasong ilegal na pagdadala ng barilsa Abra

Nahaharap sa kasong RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang construction worker matapos nahuling may dala-dalang baril habang gumagala sa Zone 6, Bangued, Abra nito lamang Biyernes, Setyembre 16, 2022.

Kinilala ang suspek na si Jethly Dufale Agbusac, 28 anyos, at residente ng Pilar, Abra.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen na may isang lalaki ang nakitang may hawak na baril habang gumagala sa naturang lugar.

Agad rumesponde ang mga awtoridad at napag-alamang walang maipakitang dokumento ang suspek sa nasabing baril na isang chamber loaded caliber 45 pistol at isang magazine na kargado ng limang pirasong bala.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles