Arestado ang 33 indibidwal sa kasong illegal gambling sa lalawigan ng Benguet nito lamang Setyembre 12-18, 2022.
Ayon sa ulat ng pulisya, kabilang dito ang limang menor-de-edad at 28 naman ang hinuli dahil sa paglabag sa RA 9287 o Act increasing the Penalties of Illegal Number Games, amended by Presidential Decree No. 1602.
Tinatayang Php19,915 halaga ng pera, siyam na slot machines (kulolong), mga playing cards, drop ball table, apat na pirasong pingpong ball, listahan ng kombinasyon ng pagtataya, cellphone at bingo cards ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Ang mga naarestong suspek at mga ebidensyang nakuha ay nasa kustodiya ng mga awtoridad para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon.