21.1 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Dating Rebelde sa Bulacan, nagbalik-loob at isinuko ang kaniyang baril

Isang dating kasapi ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) ang boluntaryong sumuko sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Camp General Alejo S. Santos, City of Malolos, Bulacan, nitong Huwebes, ika-4 ng Disyembre 2025.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Anton”, 69 taong gulang, balo, walang trabaho, at residente ng Purok 4, Brgy. Tibig, Bulakan, Bulacan, na dating kasapi ng RHB na nag-ooperate sa mga baybaying lugar ng Bulacan, Pampanga, Zambales, at Bataan.

Isinuko niya ang kaniyang hindi lisensiyadong baril, isang snub-nosed Smith & Wesson Caliber .38 revolver na walang serial number, kasama ang tatlong (3) bala.

Kasalukuyan nang isinasagawa ang tamang dokumentasyon at tactical interrogation sa nasabing surrenderee, habang patuloy siyang binibigyan ng kinakailangang tulong at gabay ng mga awtoridad bilang suporta sa kaniyang pagbabalik-loob.

Nagbigay rin ang mga awtoridad ng paunang tulong-pinansyal upang matulungan siyang makapagsimula ng panibagong buhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles