Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang dating kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) Sentro De Gravidad–Nueva Ecija (SDG-NE) at Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon–Nueva Ecija (AMGL-NE) nitong Disyembre 4, 2025, dakong 12:10 ng tanghali.
Sa koordinadong operasyon ng Nueva Ecija 1st Provincial Mobile Force Company at iba pang yunit, matagumpay na naisagawa ang pagsuko ng suspek na residente ng bayan ng Quezon, Nueva Ecija.

Isinuko din nito ang kanyang isang Smith & Wesson cal. .38 revolver na walang serial number at may apat na bala.
Ayon sa pamunuan ng 1st PMFC na malaking hakbang ang boluntaryong pagsuko na ito tungo sa pagpapatatag ng seguridad at kapayapaan sa lalawigan. Patunay din ito sa patuloy na kampanya ng mga awtoridad upang hikayatin ang mga dating rebelde na magbalik-loob at magbagong-buhay.




