21.1 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Handog ng OWWA, serbisyong may puso

Daan- daang pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs), kabilang ang dati at aktibong OFWs ng Kalinga ang nagtipon at nakisaya sa Family Day Celebration at outreach program ngayong araw, December 5, 2025 sa Tabuk City People’s Gymnasium.

Sa pangunguna ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Cordillera, layunin ng selebrasyon na kilalanin ang mga sakripisyo at mahalagang kontribusyon ng mga OFWs sa mga pamilya, komunidad at sa bansa, maging ang pagpapalakas sa samahan ng pamilya at community support.

Bahagi ng aktibidad ang raffle draws, gift-giving, dance competition at iba’t ibang palaro. Tampok din dito ang libreng medical check-up sa tulong ng Kalinga Medical Society at City Health Services Office, pati na rin ang pamamahagi ng libreng gamot mula sa OWWA-CAR.

Nakiisa rin ang Land Bank of the Philippines, PhilHealth, TESDA, ilang recruitment agencies, at mga OFW organizations upang maghatid ng serbisyo at impormasyon tungkol sa kanilang mga programa.

Bilang suporta sa mga OFWs, nagpaabot sina Tabuk City Mayor Darwin Estranero at Governor James Edduba ng gift packs para sa mga lumahok sa pagdiriwang.

Dumalo sa selebrasyon ang mga kawani ng OWWA CAR na pinangunahan ni OIC Regional Director Dina Ponciano, Atty. Kristian Wandag na kumatawan kay Tabuk City Mayor Darwin Estrañero, PESO Kalinga Manager Ermilinda Wandag, kinatawan ni Governor James Edduba at iba pang stakeholders.

Source: Radyo Pilipinas 837 Tabuk

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles