Mainit na sinalubong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang mga kinatawan ng United Nations Development Programme (UNDP), sa ilalim ng Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change in the Philippines (SHIELD) Program, ngayong Biyernes, Disyembre 5, 2025, sa Sub-Capitol, Bangag, Lal-lo, Cagayan.
Pinangunahan ng delegasyon nina Knut Ostby, Resident Representative ng UNDP; Jacqueline Miel-Soliguin, UNDP SHIELD Programme Manager; Sarah Spencer, First Secretary; at iba pang pinuno mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Nakatakdang lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) ang UNDP SHIELD at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, sa pamumuno ni Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay, upang higit pang palakasin ang kakayahan ng lalawigan sa pagharap sa mga hamon ng pabago-bagong panahon at tumitinding mga sakunang nararanasan sa Cagayan.
Source: Cagayan PIO




