21.1 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

PGC at UNDP-SHIELD, lumagda ng MOU para palakasin ang kakayahan ng Lalawigan sa pagtugon sa mga kalamidad

Lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at United Nations Development Programme (UNDP) sa ilalim ng Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change in the Philippines (SHIELD) Program, sa Sub-Capitol, Bangag, Lal-lo, Cagayan ngayong Biyernes, Disyembre 5, 2025.

Pinangunahan ang paglagda ni Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay at UNDP Resident Representative Knut Ostby, na sinaksihan ng mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, mga department head, at mga kawani ng Kapitolyo ng Cagayan.

Layunin ng MOU na pagtibayin ang ugnayan ng PGC at UNDP upang masuri ang kapasidad ng lalawigan at makabuo ng mga konkretong hakbang para mabawasan ang panganib ng kalamidad at mapabilis ang pagtugon sa mga apektadong komunidad.

Ayon kay Ostby, ang katatagan sa panahon ng sakuna ay napakahalaga, kaya ang malaking tulong ang pagsasama-sama para makagawa ng paraan para maibsan at maiwasan ang malubhang epekto ng mga kalamidad.

“Disaster resilience is a key outcome. Each and every citizen, all institutions — the threat of climate is bigger than us, but together, we can do something about this. That is why we have SHIELD,” ani Ostby.

Samantala, tiniyak ni Gobernador Aglipay ang buong suporta ng lalawigan sa UNDP at sa pagpapatupad ng mga layunin ng MOU. Hinimok niya ang lahat ng partner agencies na gampanan ang kanilang tungkulin upang magsilbing modelo ang Cagayan sa disaster resilience sa buong bansa.

Sa ilalim ng SHIELD Program, tinutulungan ng UNDP ang mga lalawigang lubhang naaapektuhan ng kalamidad, tulad ng Cagayan, upang makabuo ng resilience roadmap, mapalakas ang lokal na institusyon, mapabuti ang akses sa climate financing, at mabawasan ang kabuuang panganib na dulot ng mga sakuna. (Digna Bingayen)

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles