Matagumpay na nakapaghatid ang Philippine Air Force Tactical Operations Group 2 ng mga Family Food Packs mula sa DSWD Field Office 02 sa Maconacon, Isabela noong ika-21 ng Nobyembre 2025.
Gamit ang Black Hawk helicopter ng PAF, umabot na sa 645 food packs ang naihatid sa bayan mula sa kabuuang 1,285 FFPs na inilaan ng DSWD bilang dagdag na suporta para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Uwan.
Bahagi ang airlift operation ang pinalawak na disaster response ng pamahalaan upang matiyak na kahit ang mga nasa malalayong lugar ay agad na makatatanggap ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa panahon ng krisis.
Samantala, nagtulong-tulong ang mga kawani ng DSWD, Philippine Army, PSWDO, at lokal na pamahalaan ng Maconacon sa maayos na pagbaba ng mga food packs. Inaasahan na sa mga susunod na araw ay matatapos ang pagdadala ng natitirang FFPs upang makumpleto ang nakatakdang ayuda para sa lugar.
Source: DSWD REGION II




