18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

IOM Philippines, Namahagi ng Emergency Shelter Materials sa Lalawigan ng Cagayan

Nagsagawa ng turn-over ng emergency shelter materials ang International Organization for Migration (IOM) Philippines sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa Cagayan noong ika-19 ng Nobyembre 2025.

Personal na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang kabuuang 800 piraso ng shelter-grade tarpaulins, 200 sets ng shelter fixing kits, at 300 piraso ng modular tents at solar lamps sa isang simpleng seremonya sa Kapitolyo ng Cagayan.

Ang mga materyales ay pormal na iniabot ni Rodel Cabaddu, kinatawan ng IOM Philippines, sa mga opisyal ng PSWDO na sina Assistant PSWDO Bonifacio Cuarteros, Technical Division Chief Rosario B. Mandac, at ilang staff.

Ipinahayag naman ni Asst. PSWDO Cuarteros ang taos pusong pasasalamat ng lalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay, sa IOM Philippines para sa patuloy nitong pagtulong sa mga Cagayano, lalo na sa panahon ng kalamidad.

“Malaking tulong ang donasyong ito upang masiguro na may ligtas na masisilungan ang ating mga kababayan kapag tumama ang sakuna,” ani Cuarteros.

Ayon sa PSWDO, ang mga nasabing emergency shelter materials ay agad na ilalaan at ipapamahagi sa mga komunidad na higit na nangangailangan, upang mapabilis ang kanilang pagbangon at makapagbigay ng proteksiyon laban sa epekto ng mga bagyo at iba pang kalamidad.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles