18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Sagupaan ng Militar at CTG, muling sumiklab sa ikaapat na pagkakataon sa Kalinga

Muling kinumpirma ng 503rd Infantry Brigade ang muling sagupaan ng kanilang mga tauhan at mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa ilalim ng RGU, IRC sa Barangay Allaguia, Pinukpuk, Kalinga bandang alas-sais ng umaga ngayong araw, Nobyembre 24, 2025. Ang insidente ay ikaapat na engkwentro ng pwersa ng militar laban sa mga miyembro ng CTG simula noong umpisahan ang operasyon sa lugar noong Nobyembre 21.

Nagsasagawa ng pursuit operations sa Sitio Tami-ing, Brgy Allaguia ang 53rd Division Reconnaissance Company, sa ilalim ng operational control ng 103rd Infantry Battalion, nang magsimulang magpaputok ang mga komunista na naging sanhi ng palitan ng putok ng baril ng magkabilang pwersa.

Sa lakas ng pwersa ng militar, napaatras ang mga miyembro ng CTG at tumakas patungo sa direksyong pa-hilagang-silangan. Sa kabutihang-palad, walang namatay o nasugatan sa mga tropa.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang M16 rifle, isang M16 lower receiver group, dalawang old-issue jungle pack, at limang backpack mula sa encounter site.

Patuloy ang isinasagawang operasyon sa lugar upang tuluyang wakasan ang mga maling gawain ng mga komunista, at panatilihin ang isang ligtas at mapayapang lalawigan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles