Nagsagawa ng relief distributions ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa mga residente ng Barangay Sta. Cruz at Barangay San Pedro, San Simon, nito lamang Huwebes, ika-13 ng Nobyembre 2025, bilang tugon sa matinding pagbaha na dala ng Bagyong Uwan.
Pinangunahan ni Acting Governor Dennis “Delta” Pineda ang aktibidad kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Katuwang din sa pamamahagi sina 4th District Board Member Kaye Naguit, San Simon Acting Mayor Josephine Anne Canlas, at Apalit Mayor Jun Tetangco.

Ipinamigay sa mga naapektuhang pamilya ang food packs, hygiene kits, at iba pang pangunahing pangangailangan, lalo na sa mga komunidad na lubog sa baha.
Isa sa mga tumanggap, si Alice Guevarra, 62, ay nagpasalamat sa agarang tulong na nakapagbigay-ginhawa sa kanilang tahanan.
Layon ng pamahalaan na matiyak na agad na natutugunan ang pangangailangan ng mga residente at mapabilis ang kanilang pagbangon mula sa pinsalang dulot ng bagyo.
Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga na magpapatuloy ang kanilang suporta sa lahat ng nasalanta at mananatiling nakaagapay hanggang sa ganap na makarekober ang mga apektadong komunidad.




