Muling umaarangkada ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pagbabahagi ng libreng pustiso para sa mga ArayateƱo sa ilalim ng programang āAlagang Nanay Preventive Healthcare Programā ni Governor Lilia āNanayā Pineda at Vice Governor Dennis āDeltaā Pineda, nito lamang Huwebes, ika-30 ng Oktubre 2025.
Nasa 120 ArayateƱo ang nabigyan ng libreng pustiso. Bukod dito, may kasamang panlinis at pandikit upang maging all-in package para sa mas kumpletong ngiti ng ating mga kabalen.

Layunin ng programa na makapagbigay ng nasa 10,000 libreng pustiso sa mga Kapampangan bago matapos ang taon, kayaāt tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng mga dentista ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng āAlagang Nanayā ang masiguro ang kalusugan at kapakanan ng bawat Kapampangan, lalo na ang mga kababayan nating kapos sa kakayahang pinansyal.




