17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Isa na namang bagong ngiti ang handog ng Kapitolyo ng mga ArayateƱo

Muling umaarangkada ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pagbabahagi ng libreng pustiso para sa mga ArayateƱo sa ilalim ng programang ā€œAlagang Nanay Preventive Healthcare Programā€ ni Governor Lilia ā€œNanayā€ Pineda at Vice Governor Dennis ā€œDeltaā€ Pineda, nito lamang Huwebes, ika-30 ng Oktubre 2025.

Nasa 120 ArayateƱo ang nabigyan ng libreng pustiso. Bukod dito, may kasamang panlinis at pandikit upang maging all-in package para sa mas kumpletong ngiti ng ating mga kabalen.

Layunin ng programa na makapagbigay ng nasa 10,000 libreng pustiso sa mga Kapampangan bago matapos ang taon, kaya’t tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng mga dentista ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng ā€œAlagang Nanayā€ ang masiguro ang kalusugan at kapakanan ng bawat Kapampangan, lalo na ang mga kababayan nating kapos sa kakayahang pinansyal.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles