17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

DA-RFO1 at PhilRice Batac, Ipinagkaloob ang Bamboo-Bin Rice Dryer sa mga Magsasaka ng Barangay Alitaya

Mangaldan, Pangasinan — Ipinagkaloob ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 (DA-RFO1) at PhilRice Batac ang bamboo-bin rice dryer sa Masigasig Alitaya Farmers and Irrigators Association (MAFIA) sa ilalim ng IRISE4RICE Program nitong Oktubre 30, 2025.

Kinatawan ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno si Russel C. Suquila sa turnover ceremony at pinasalamatan ang DA at PhilRice sa patuloy na tulong sa mga magsasaka ng Mangaldan.

Disenyo ni Dr. Mary Ann Baradi ng PhilRice Batac ang makinaryang de-kuryente, na kayang magpatuyo ng 15–20 sako ng palay sa loob ng walong oras—malaking tulong lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Manuel S. Aquino ng Municipal Agriculture Office, maaaring gamitin ng ibang asosasyon ng magsasaka ang makina sa pamamagitan ng koordinasyon sa MAO.

Gawa sa kawayan at may electric air-blower system, ang bamboo-bin dryer ay mabilis, simple, at abot-kayang solusyon sa pagpapatuyo ng palay.

Source: Public Information Office Mangaldan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles