17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Ret. PBGen Sembrano, iniluklok bilang bagong Regional Director ng NICA-CAR

Buong pusong binati ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), sa pamumuno ni PBGen Ericson D. Dilag, Regional Director, ang bagong iniluklok bilang Regional Director ng National Intelligence Coordinating Agency ng CAR, na si PBGen Benjamin DL Sembrano (Ret.) sa kanyang opisyal na pagbisita sa PRO CAR Regional Headquarters, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong ika-27 ng Oktubre, 2025.

Sa kanyang pagdating, malugod siyang tinanggap ni PCol Ledon D. Monte, Acting Deputy Regional Director for Operations, kasabay ang pagtanghal sa traditional welcome dance na isinagawa ng PRO CAR cultural dancers.

Ang pagbisita ni PBGen Sembrano (Ret) ay may layong palakasin ng inter-agency coordination sa pagitan ng NICA at PNP, lalo na sa intelligence sharing, pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lalawigan, at pagpapatupad ng mga joint security initiatives.

Sa collaborative meeting, tinalakay ng dalawang ahensya ang mga hakbang upang mas mapahusay ang isinasagawang mga intelligence operations.

Sa huli, nagpahayag ng pasasalamat si PBGen Sembrano (Ret.) sa mainit na pagtanggap sa kanya ng opisina, at kanyang siniguro ang pakikipagtulungan ng NICA sa PNP para tugunan ang mga suliraning panseguridad rehiyon tulad ng insurhensiya, terorismo ant iba pang mga banta.

Source: Police Regional Office CAR FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles