Sa ikalawang araw ng paghahanap sa dalawa pang biktima ng Vehicular Traffic Accident (VTA) sa Gawa, Barangay Tocucan, Bontoc, Mountain Province, matagumpay na na-retrieve ng mga Search, Rescue and Retrieval (SRR) team ang isa sa kanila bandang alas-onse ng umaga ngayong araw, Oktubre 28, 2025.
Ang nasabing bangkay ay nakita sa ilalim ng Chico River, na humigit-kumulang dalawang metro ang layo mula sa kanilang lubog na sasakyan. Kinilala siya ng kaniyang mga kasamahan sa Balintugan Construction na si Carlo Ancheta.

Madaling araw bago sinimulan ang paghahanap ay nagkaroon muna ng ritwal sa pinangyarihan ng aksidente, na pinangunahan ng Municipal Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) David Coycoyen at Tocucan Barangay IPMR Elpidio Caracho. Ang seremonya ay ginawa upang mag-alay ng dasal kay Lumawig (Kafunyan) para sa kanyang patubay at agarang ikahahanap ng mga biktima maging ang kaligtasan ng mga SRR teams.
Sa ngayon, isa pang biktima na nagngangalang Edmund Romeo ang patuloy na pinaghahanap sa isinasagawang operasyon. Umaasa ang lahat lalo na ang kanyang pamilya na mahanap na siya at mabigyan ng disenteng
Source: Bontoc MDRRMO FB Page




