Muling naghandog ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ng financial assistance at food packs para sa mga cancer patients mula sa 3rd at 4th District ng lalawigan nito lamang Miyerkules, ika-29 ng Oktubre 2025.

Pinangunahan ang aktibidad nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, kung saan personal nilang kinumusta at ipinanalangin ang mga pasyente, kasabay ng pamamahagi ng tulong pinansyal at pagkain.
Mahigit 2,155 benepisyaryo ang nakatanggap ng Php3,000 financial assistance at food packs.

Layunin ng programa na maipadama ang suporta at pagmamahal ng pamahalaan sa mga Kapampangang may karamdaman, at maibsan ang kanilang pinansyal na pasanin sa gitna ng kanilang laban sa sakit.
Sa pagtutulungan ng DSWD, PSWDO, PHO, PDRRMO, at GSO, patuloy na ipinaparamdam ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga na sa bawat Kapampangan, lalo na sa mga may karamdaman, ay may gobyernong handang umalalay, mag-aruga, at magbigay ng pag-asa.




