17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Local Government Unit ng Bontoc, nagpaabot ng suporta sa PWD Beneficiary

Nagpa-abot ng suporta ang Pamahalaang Lokal ng Bontoc sa mga Persons with Disabilities (PWDs) at ipinagkaloob ng Municipal Persons with Disability Affairs Office (MPDAO) ang isang commode wheelchair na may reclining headboard kay Ginang Norma Moling sa Bontoc Municipal Capitol Basement, Bontoc, Mt. Province nito lamang ika-13 ng Oktubre 2025.

Si Ginang Norma Moling ay 65 taong gulang, retiradong empleyado ng Provincial Library at sumailalim sa mga ilang operasyon na kasalukuyang nakakaranas ng limitadong paggalaw dahil sa komplikasyong nakaaapekto sa kanyang pelvic bone dahilan ng hindi makahiga nang matagal at kinakailangang manatiling nakaupo sa halos lahat ng oras.

Ayon kay Disability Affairs Officer II Maria Codeo, ang pondo para sa tulong na ito ay mula sa realigned funds ng natitirang budget na orihinal na inilaan para sa meals at transportation support ng mga PWDs participants na lumahok sa isang vocational training sa Bonuan, Dagupan City noong Setyembre 29, 2025.

Mula sa realigned funds, nakabili ang MPDAO ng reclining commode wheelchair na nagkakahalaga ng ₱9,100 at mga single canes na ₱750 bawat isa, bilang bahagi ng patuloy na programang nagbibigay ng tulong sa mas marami pang nangangailangan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, muling pinagtitibay ng Pamahalaang Lokal ng Bontoc ang kanilang pangako sa pagsusulong ng inklusibong komunidad, pagpapabuti ng accessibility, at pagpapaunlad ng kapakanan ng mga PWDs sa buong munisipalidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles